Parks, Abueva, Wright matunog sa ‘Special 5’

Tatawaging ‘Special Five’ ang top performers ng nakaraang Pampanga bubble ng PBA Philippine Cup.

The post Parks, Abueva, Wright matunog sa ‘Special 5’ first appeared on Abante.

parks abueva wright matunog sa special 5 - Parks, Abueva, Wright matunog sa ‘Special 5’
PBA 4 - Parks, Abueva, Wright matunog sa ‘Special 5’

Tatawaging ‘Special Five’ ang top performers ng nakaraang Pampanga bubble ng PBA Philippine Cup.

Walang MVP sa na-salvage na one-conference ng 45th season na pinigil ng coronavirus pandemic, espesyal na parangal ang ibibigay sa lima sa awards rites sa January.

Winner sa stats race si TNT sophomore Bobby Ray Parks bagama’t hindi nakapaglaro sa huling tatlong matches ng Finals kontra Ginebra.

Nasa unahan ng pulutong si Parks sa 38.2 statistical points (SPs) average, kasunod sina Calvin Abueva (37.1) ng Phoenix, CJ Perez (35.7) ng Terrafirma, Matthew Wright (35.65) ng Fuel Masters at RR Pogoy (35.64) ng Tropang Giga.

Nang mawala si Parks kasunod ni Jayson Castro sa Games 3 at 4, solidong inangklahan ni Pogoy ang TNT pero yumuko din sa Gin Kings sa limang laro.

Ga-buhok lang na nalaglag sa top 5 si Stanley Pringle (34.8) ng Ginebra, lumundag sa No. 8 ang teammate niyang si Japeth Aguilar (32.9). isa pang Gin Kings, si Scottie Thompson (32.8) ang nasa 9th.

Kumumpleto sa top 10 sina Christian Standhardinger (32.5) ng NorthPort at Jason Perkins (32.7) ng Phoenix.

Ang Top 25 ay official contenders para sa Special Five.

Top rookies sina Roosevelt Adams (20.3) ng Terrafirma, Aaron Black (17.3) ng Meralco, Barkley Ebona (16.3) ng Alaska, Aris Dionisio (15.9) ng Magnolia at Arvin Tolentino (15.5) ng Gins. (VE)

The post Parks, Abueva, Wright matunog sa ‘Special 5’ first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *