Parks 50-50 sa Game 2: NALINTIKAN!

Smart Clark Giga City – Mas malamang na ipahinga ng TNT si Ray-Ray Parks sa Game 2 ng PBA Philippine Cup Finals sa Smart 5G-powered AUF gym sa Angeles City ngayon.

The post Parks 50-50 sa Game 2: NALINTIKAN! first appeared on Abante.

parks 50 50 sa game 2 nalintikan - Parks 50-50 sa Game 2: NALINTIKAN!
abante rayparks - Parks 50-50 sa Game 2: NALINTIKAN!

Finals Game 2 ngayon: (AUF Gym)
6:00pm – Ginebra vs TNT
(Gin Kings lead series 1-0)

Smart Clark Giga City – Mas malamang na ipahinga ng TNT si Ray-Ray Parks sa Game 2 ng PBA Philippine Cup Finals sa Smart 5G-powered AUF gym sa Angeles City ngayon.

Bumalik ang left calf strain ng 27-year-old gunner ng Tropang Giga sa opener ng best-of-seven series na inari ng Ginebra 100-94 sa overtime noong Linggo.

Kaagahan ng Pampanga bubble ay pinabagal na ng pananakit ng kaliwang binti si Parks, pero hindi napigil ang kanyang laro.

Pagkatapos ng semifinals nang kalusin ng Tropa ang Phoenix Super LPG sa limang laro, una na si Parks sa stats race sa hinamig na 38.3 statistical points mula averages na 22.5 points, 8.1 rebounds at 3.1 assists at 1.3 steals.

Inagaw ni Parks ang unahan mula kay Fuel Masters sniper Matthew Wright na dumausdos sa pang-apat. Pumangalawa ang teammate ni Matthews na si Calvin Abueva sa 37.1 SPs.

Kailangang hanapan ni coach Bong Ravena ng pamasak ang dineliver ni Parks sa opener kung hindi makakalaro ngayon.

“(Parks) highly-doubtful on Wednesday, hope he could play on Friday,” anang statement ng TNT.

Noong Linggo sa Finals debut, pinuno ni Parks ang stat sheet sa 20 points mula 7 of 19 shooting, 4 rebounds, 4 assists, 5 steals, 2 blocks kontra 4 turnovers bago na-fouled out sa dulo ng OT. (VE)

The post Parks 50-50 sa Game 2: NALINTIKAN! first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *