Paras, Kouame, Gilas handa na sa ensayo

MAGSISIMULA na sa kanilang bubble training sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna ang Gilas Pilipinas pool na binuo ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) para sa FIBA Asia Cup Qualifiers.

The post Paras, Kouame, Gilas handa na sa ensayo first appeared on Abante.

paras kouame gilas handa na sa ensayo - Paras, Kouame, Gilas handa na sa ensayo
Kouame paras - Paras, Kouame, Gilas handa na sa ensayo

MAGSISIMULA na sa kanilang bubble training sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna ang Gilas Pilipinas pool na binuo ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) para sa FIBA Asia Cup Qualifiers.

Swak sina Ateneo star Angelo Kouame at Kobe Paras ng University of the Philippines, maging si reigning NCAA Most Valuable Player (MVP) Calvin Oftana para ibandera ang Pilipinas sa Nobyembre sa Manama, Bahrain.

Inaayos pa ang naturalization ni Kouame at umaasa ang SBP na aabot ang approval niya bago ang qualifiers na magsisimula sa Nobyembre 26.

Maliban sa tatlong nabanggit na players, ang ibang miyembro sa 16 na manlalaro na hinayag ng SBP ay sina Isaac Go, Dwight Ramos, Matt Nieto, Mike Nieto, Justine Baltazar, Rey Suerte, Dave Ildefonso, Allyn Bulanadi, Jaydee Tungcab, Juan Gomez de Liaño, Javi Gomez de Liaño, Kemark Carino at William Navarro.

May go signal ang Inter-Agency Task Force (IATF) sa kahilingan ng SBP na makapag-ensayo na ang Gilas Pilipinas.

Mahigpit na ipatutupad ng SBP ang health protocols sa Calamba upang masiguro ang kaligtasan ng mga player, coach at official. (Elech Dawa)

The post Paras, Kouame, Gilas handa na sa ensayo first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *