Pangalusian Island, Viva Morena patok

INAASAHANG maraming susuportang karerista kina Pangalusian Island, Certain To Win at Viva Morena sa 2020 Philracom ‘4-year-old & Above Open Stakes Race’ na pasisibatin sa Metro Turf sa Malvar, Batangas bukas, Linggo.

The post Pangalusian Island, Viva Morena patok first appeared on Abante.

pangalusian island viva morena patok - Pangalusian Island, Viva Morena patok
Karera 12 - Pangalusian Island, Viva Morena patok

INAASAHANG maraming susuportang karerista kina Pangalusian Island, Certain To Win at Viva Morena sa 2020 Philracom ‘4-year-old & Above Open Stakes Race’ na pasisibatin sa Metro Turf sa Malvar, Batangas bukas, Linggo.

Bukod sa tatlong nabanggit, may 11 tigasing kabayo pa ang kanilang makakaharap sa event na may distansiyang 1,800 metro kung saan nakataya ang guaranteed prize na P500,000.

Ang ibang kasali sa stakes race na inisponsoran ng Philippine Racing Commission ay sina Victorious Colt, Pinagtipunan, Summer Romance, Truly Ponti, Stella Malone, Low Key, Queensboro, Gomper Girl, Sooner Time at Mandatum.

“Mahaba ang karera, malaki tsansa ni Pangalusian Island na manalo, lalo na kapag naglutsahan sa unahan,” hayag ni Glen Carandang.

Ayon sa ibang karerista tulad ni Benedict Maco Dula, posibleng magbigay ng laban sina Victorious Colt at Gomper Girl dahil bukod sa mahaba ang distansiya ay kaya nilang sumunod sa mga matutulin sa largahan.

“Madaming matulin, angkop ang distansiya sa mga deremate kaya kay Victorious Colt ako,” hayag ni Dula na matagal nang karerista.

Tatanggap ng P300,000 ang may-ari ng unang kabayong tatawid sa meta. (Elech Dawa)

The post Pangalusian Island, Viva Morena patok first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *