Pangalusian Island, Chancetheracer patok

LALONG tumitindi ang bakbakan sa karerahan dahil sa mga stakes races na ikinakasa sa bawat pista.

The post Pangalusian Island, Chancetheracer patok first appeared on Abante.

pangalusian island chancetheracer patok - Pangalusian Island, Chancetheracer patok
race - Pangalusian Island, Chancetheracer patok

LALONG tumitindi ang bakbakan sa karerahan dahil sa mga stakes races na ikinakasa sa bawat pista.

Sa darating na Linggo sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite, tiyak na masisiyahan ang mga karerista dahil ilalarga ang Ambassador Eduardo M. Cojuangco Jr. Memorial Cup.

May 10 kabayo ang nagdeklara ng pagsali sa event na may distansyang 2,000 metro, una sa listahan ang kabayong Chancetheracer.

Naka-post na rin sa Facebook page ng karera ang mga nagsaad ng pagsali kaya may komento na ang mga karerista sa kanilang napupusuan.

Ilan sa mga karerista ay nagsabing si 2019 Presidential Gold Cup runner up Pangalusian Island ang kanilang gusto habang ang iba ay nagsabing sina Chancetheracer at Gomper Girl.

Ayon sa ibang karerista, malaki rin ang tsansa ni Woderland dahil maganda ang ipinakitang performance nito sa huling takbo.

“Mahirap na karera kapag naging opisyal na ang lineup puwede rin si National Pride mahusay na kabayo ito,” wika ni Pacholo Gonzales, veteran karerista.

Bukod sa nabanggit na kabayo, ang ibang nakalista na sasali ay sina Full Stream, Righteous Ruby, Sooner Time, Stella Malone at Viva Morena. (Elech Dawa)

The post Pangalusian Island, Chancetheracer patok first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *