Pang-MVP pa rin si Fajardo

Kaunting paghihintay na lang at malalaman na natin kung sino ang tatanghaling Best Player of the Conference ng nagdaang PBA Philippine Cup bubble sa Clark, Pampanga.

The post Pang-MVP pa rin si Fajardo first appeared on Abante.

pang mvp pa rin si fajardo - Pang-MVP pa rin si Fajardo
FINAL columnists sarah asido basket bolera abante - Pang-MVP pa rin si Fajardo

Kaunting paghihintay na lang at malalaman na natin kung sino ang tatanghaling Best Player of the Conference ng nagdaang PBA Philippine Cup bubble sa Clark, Pampanga.

Nakakatuwa na kahit isang conference lang ang nilaro ng liga ay hindi nila nakalimutang bigyang parangal ang mga manlalaro na talaga namang nagpakitang gilas sa bubble tournament.

Nariyan ang mga pangalan nina Ray-Ray Parks Jr., Calvin Abueva, Stanley Pringle, Matthew Wright at CJ Perez.

Lahat may laban, lahat alam mong nagpakahalimaw sa loob ng court.

Talagang comeback is real para kay ‘The Beast’ na bukod sa umabot sa semis ay nanomina pa para sa BPC.

Kaabang-abang kung makukuha ba niya ito sa Enero 17.

At ano kaya ang reaksyon ng six-time MVP na si June Mar Fajardo na siya pa rin ang reigning MVP dahil walang MVP award na ibibigay ngayong season.

Sa parating na Season 46 ng liga maaari nang makalaro si ‘Kraken’ , malamang ay pipilitin nitong masungkit ang ikapitong MVP award kaya naman hindi dapat makampante ang ibang manlalaro ng MVP caliber din.

Muli mga ka-Abante, patuloy po ninyong suportahan ang Sportalakan, 4pm Lunes hanggang Biyernes.

Salamat po. God bless!

The post Pang-MVP pa rin si Fajardo first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *