Panalo pa-bertdey ni Quinto kay Black

PINASALUBUNGAN ng Meralco Bolts ng magandang kaarawan si coach Norman Black matapos makatuntong sa unang pagkakataon sa quarterfinals sa pagpigil sa North Port Batang Pier, 80-73, sa pagtatapos Miyerkoles ng eliminasyon ng 2020 Honda PBA Philippine Cup bubble sa AUF Sports Arena and Cultural Center sa Angeles, Pampanga.

The post Panalo pa-bertdey ni Quinto kay Black first appeared on Abante.

panalo pa bertdey ni quinto kay black - Panalo pa-bertdey ni Quinto kay Black
abante bong quinto - Panalo pa-bertdey ni Quinto kay Black

PINASALUBUNGAN ng Meralco Bolts ng magandang kaarawan si coach Norman Black matapos makatuntong sa unang pagkakataon sa quarterfinals sa pagpigil sa North Port Batang Pier, 80-73, sa pagtatapos Miyerkoles ng eliminasyon ng 2020 Honda PBA Philippine Cup bubble sa AUF Sports Arena and Cultural Center sa Angeles, Pampanga.

Sinandigan ng Meralco Bolts sina Kier John ‘Bong’ Quinto at Raymond Almazan para sa Bolts na nabitawan ang 19 puntos na abante sa pagbubukas ng ikaapat na yugto bago na lamang tuluyang nakamit ang ikapitong panalo sa loob ng 11 laro para makipag-agawan sa unang apat na silyang may insentibo sa quarterfinals.

Umiskor si Quinto ng 14 puntos dagdag ang 8 rebounds at 2 assists habang si Almazan ay may 11 puntos, 7 rebounds, 2 assists at 1 block.

Nag-ambag din si Chris Newsome ng 11 puntos, 7 rebounds, 4 assists, 1 steal at 1 block.

“Definitely it will be a long day for me giving out celebration for my birthday. But right now, we still have to wait for the rest of the game to know what will happen with the scenarios,” sabi ni Black, na ikinatuwa ang unang pagkakataon na nakatuntong ang koponan sa playoffs ng All-Filipino Cup.

Agad na ibinagsak ng Bolts ang 21-4 bomba sa 2:23 minuto ng unang yugto tampok ang isang tres ni Baser Amer upang diktahan ang laro sa pagtala sa malaki nitong 17 puntos na abante.

Umabot pa sa 19 puntos ang abante sa 69-50 sa pagsisimula ng ikaapat na yugto mula kay Cliff Hodge.

Kinolekta ni Amer ang 10 puntos, 2 rebounds at isang assist sa first half habang may pito si Trevis Jackson at anim naman kay Raymon Jamito para sa Bolts na kinapitan ang 39-30 abante sa pagtatapos ng unang 24 na minuto. (Lito Oredo)

The post Panalo pa-bertdey ni Quinto kay Black first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *