Palomata, Air Force ‘di pasisindak sa Army

Palomata, Air Force ‘di pasisindak sa Army

MATAPOS matikman ang unang panalo, itutuloy nina Dell Palomata at ng Philippine Air Force Lady Jet Spikers ang pananalasa pagsagupa kontra Pacific Town Army Lady Troopers alas-4 ng hapon sa Premier Volleyball League Season 3 Open Conference sa FilOil Flying V Centre.

palomata air force di pasisindak sa army - Palomata, Air Force ‘di pasisindak sa Army
dell - Palomata, Air Force ‘di pasisindak sa Army

Mga laro ngayon:
(FilOil Flying V Centre)
2:00pm — Motolite vs Choco Mucho
4:00pm — Pacific Town Army vs Air Force
6:00pm — BanKo Perlas vs PetroGazz

MATAPOS matikman ang unang panalo, itutuloy nina Dell Palomata at ng Philippine Air Force Lady Jet Spikers ang pananalasa pagsagupa kontra Pacific Town Army Lady Troopers alas-4 ng hapon sa Premier Volleyball League Season 3 Open Conference sa FilOil Flying V Centre.

Nasungkit ng Air Force ang unang panalo (1-5) nitong Linggo laban sa Chef’s Classic Lady Red Spikers (0-7), 26-24, 25-15, 25-22, sa pamumuno ni middle hitter Palomata na may 16 points.

Katuwang sa panalo sina spikers Judy Ann Caballejo na umiskor ng 12 puntos at Joy Cases na nagtala ng 10 markers.

“Iyong motivation ko sa kanya, isa ka na sa key players jan. Kailangan mong mag-step up every game,” pahayag ni head coach Jasper Jimenez patungkol kay Palomata.

Samantala, wagi rin ang Lady Troopers (3-3) kontra Chef’s Classic noong Set. 7, 25-18, 25-18, 25-13, sa pangunguna nina Royse Tubino at Jovelyn Gonzaga. (Janiel Abby Toralba)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *