Palibhasa Lalake magiging dehado

ANIM na tigasing kabayo ang mag-uunahan para sa P1M guaranteed prize ng Klub Don Juan Derby na ilalarga sa Linggo sa Metro Turf, Malvar-Tanauan City, Batangas.

The post Palibhasa Lalake magiging dehado first appeared on Abante.

palibhasa lalake magiging dehado - Palibhasa Lalake magiging dehado
kabayo 2 - Palibhasa Lalake magiging dehado

ANIM na tigasing kabayo ang mag-uunahan para sa P1M guaranteed prize ng Klub Don Juan Derby na ilalarga sa Linggo sa Metro Turf, Malvar-Tanauan City, Batangas.

Kabilang sa listahan ng mga nagsaad ng pagsali sa event na suportado ng Philippine Racing Commission (Philracom) sina In The Zone, Palibhasa Lalake, Sky Candy, Divine Success, Kick The Gear at Wish Afan A Star.

Marami ang humanga sa panalo ni Palibhasa Lalake sa nakaraang laban nito kaya posibleng makakuha siya ng suporta sa mga karerista lalo na ang mga dehadista.

“Baka dehado si Palibhasa Lalake, mas maganda kasi dehadista ako,” saad ni Tony Villapando, karerista na taga-Tayuman.

Ang karera ay bilang pagpugay kay Congressman Juan Miguel “Mikey” Arroyo, kung saan nakalaan ang P600,000 na premyo para sa mananalong kabayo.

Tatanggapin ng second placer ang P225,000 habang hahamigin ng third at fourth ang P125,000 at P50,000 ayon sa pagkakasunod. (Elech Dawa)

The post Palibhasa Lalake magiging dehado first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *