Palibhasa Lalake humarurot sa meta

LUMABAS na ang husay ni Palibhasa Lalake matapos ilampaso ang mga nakalaban sa PHILRACOM Rating Based Handicap System nitong Linggo sa Metro Turf sa Malvar sa Tanauan City, Batangas.

The post Palibhasa Lalake humarurot sa meta first appeared on Abante.

palibhasa lalake humarurot sa meta - Palibhasa Lalake humarurot sa meta
horse 3 - Palibhasa Lalake humarurot sa meta

LUMABAS na ang husay ni Palibhasa Lalake matapos ilampaso ang mga nakalaban sa PHILRACOM Rating Based Handicap System nitong Linggo sa Metro Turf sa Malvar sa Tanauan City, Batangas.

Ipinakita agad ni Palibhasa Lalake ang kanyang tikas sa largahan, kinuha ang bandera at hindi ito binitawan hanggang sa pagtawid ng meta.

Nirendahan ni apprentice rider NC Lunar, kalmado ito sa unahan at kahit pinapahirapan nina Noble Run at After Party ay hindi nito pinahangos si Palibhasa Lalake.

Pagsapit ng huling kurbada ay kalahating kabayo na lang ang lamang ni Palibhasa Lalake pero lumayo ito ng bahgya sa rektahan.

Nagtala si Palibhasa Lalake ng 1:25 minuto sa 1,400-meter race sapat upang hamigin ng may-ari ang P10,000 na added prize sa event na suportado ng Philippine Racing Commission.

Dumating na segundo si Gil’s magic habang tumersero si Prettiest Star. (Elech Dawa)

The post Palibhasa Lalake humarurot sa meta first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *