Painters supalpal kay Lee, Magnolia

Itinala ni Paul Lee ang 31 markers kabilang ang krusyal na huling apat na puntos upang itulak ang Magnolia Hotshots sa 70-62 panalo sa dumadausdos na Rain or Shine Elasto Painters Sabado sa eliminasyon ng 2020 Honda PBA Philippine Cup sa loob ng AUF Sports Arena and Cultural Center sa Angeles, Pampanga.

The post Painters supalpal kay Lee, Magnolia first appeared on Abante.

painters supalpal kay lee magnolia - Painters supalpal kay Lee, Magnolia
paul 1 - Painters supalpal kay Lee, Magnolia

Mga laro ngayon: (AUF Gym/Clark)

10:00am – Blackwater vs Rain or Shine

1:00pm – Meralco vs Terrafirma

4:00pm – Magnolia vs NorthPort

6:45pm – Ginebra vs San Miguel

Itinala ni Paul Lee ang 31 markers kabilang ang krusyal na huling apat na puntos upang itulak ang Magnolia Hotshots sa 70-62 panalo sa dumadausdos na Rain or Shine Elasto Painters Sabado sa eliminasyon ng 2020 Honda PBA Philippine Cup sa loob ng AUF Sports Arena and Cultural Center sa Angeles, Pampanga.

Nagtulong sina Ian Sangalang, Jio Jalalon at Lee para sa Hotshots sa natitirang 3:28 minuto kung saan isang puntos na lamang ang naghihiwalay dito sa Elasto Painters sa 62-61 upang ibuhos ang walong sunod na puntos tungo sa pagkolekta ng ikaapat nitong sunod na panalo.

Nagtala si Lee ng 31 puntos, 5 rebounds, 2 assists at 1 block habang may 14 puntos, 5 rebounds, 1 assists at 1 butata si Sangalang.

May pitong puntos naman si Jalalon na naipasok ang krusyal na jumper upang siguruhin ang ikalimang panalo ng Hotshots sa loob ng siyam na laro.

Nahulog naman ang Elasto Painters sa ikatlong sunod nitong kabiguan at dumausdos sa 4-4 kartada.

Nakalapit ang RoS sa limang puntos na lamang sa 46-51, may 2:02 minuto sa ikatlong yugto mula sa dalawang free throw ni rookie Adrian Wong.

Matapos magtabla sa 19-all, may 10:26 sa ikalawang yugto, ibinuhos ng Hotshots ang 11-0 run bago nito nilimitahan sa limang puntos lamang sa yugto ang Elasto Painters. (Lito Oredo)

The post Painters supalpal kay Lee, Magnolia first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *