Pagulayan itinaob si Orcollo

DALAWANG 1-2 finishes ang tinumbok nina Pinoy cue artists Alex ‘The Lion’ Pagulayan at Dennis ‘Robocop’ Orcollo.

The post Pagulayan itinaob si Orcollo first appeared on Abante.

pagulayan itinaob si orcollo - Pagulayan itinaob si Orcollo
Bilyard - Pagulayan itinaob si Orcollo

DALAWANG 1-2 finishes ang tinumbok nina Pinoy cue artists Alex ‘The Lion’ Pagulayan at Dennis ‘Robocop’ Orcollo.

Nagkampeon si Pagulayan sa 10-Ball at One Pocket event ng 2020 Aramith/Simonis Pro Classic Championship sa West Peoria, Illinois habang parehong second place naman si Orcollo.

Bakbakan sa 10-ball event nakauna si Orcollo ng 5-0 at 6-2 pero hindi nasira ang diskarte ni Pagulayan, tinumbok nito ang anim na sunod na panalo upang maagaw ang benathe, 8-6 sa kanilang race to 15 finals.

Nagtagpo sa 13-all ang laro, ngunit kumana ng dalawang sunod na panalo sa racks 27 at 28 si Pagulayan upang tanghaling kampeon, 15-13. (Elech Dawa)

The post Pagulayan itinaob si Orcollo first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *