Pagsuway sa AAA ng PHISGOC delikado sa SEA Games — Juico

‘DI nananakot at namumuwersa ang Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) sa posibilidad na tuluyang maparusahan ang Pi­lipinas na hindi mai­sagawa sa bansa ang 30th Southeast Asian Games kundi tatalima sa Asian Athletics Association (AAA).

The post Pagsuway sa AAA ng PHISGOC delikado sa SEA Games — Juico appeared first on Abante News Online.

pagsuway sa aaa ng phisgoc delikado sa sea games juico - Pagsuway sa AAA ng PHISGOC delikado sa SEA Games — Juico
patafa 1 - Pagsuway sa AAA ng PHISGOC delikado sa SEA Games — Juico

‘DI nananakot at namumuwersa ang Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) sa posibilidad na tuluyang maparusahan ang Pi­lipinas na hindi mai­sagawa sa bansa ang 30th Southeast Asian Games kundi tatalima sa Asian Athletics Association (AAA).

Ito ang klinaro sinabi ni PATAFA president Philip Ella Juico sa kinakaharap na isang malaking balakid sa pagho-host ng bansa sa kada dalawang taong SEA Games, na patuloy na umaani ng kritisismo at malalim na mga katanungan kung maisasagawa ngayong taon o tuluyang ipapasa na lamang sa ibang bansa.

“Hindi kami nagde-demand at lalong hindi namin sila hino-hostage. Matagal na namin sinabi sa kanila matapos gawin ang Sports and Event Committee meeting ang sulat sa amin ng AAA. Sinabi namin sa kanila ang gusto ng AAA at kung ayaw nila sundin, wala na kami magagawa,” giit ni Juico.

Una nang sumulat ang AAA sa PATAFA upang ipaalam na hindi nito bibigyan ng permiso ang pagsasagawa ng mga athletics event sa SEA Games kung hindi ibabalik ang inalis na anim na event na hiniling mismo ng 11 miyembro na bansa.

“Kindly note that you will not be granted permit to run the Athletic Events of the Games if you do not include all the above events,” pahayag ni AAA secretary general Maurice Nicholas ng Singapore patungkol sa mga event na men at women 5,000-meter run, 10,000-meter run at 20-kilometer walk.

The post Pagsuway sa AAA ng PHISGOC delikado sa SEA Games — Juico appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *