Pagkamatay ni Kobe gumimbal sa mundo

Kapapasok pa lang ng 2020, nagluksa na agad ang mundo ng basketball sa pagkamatay ni Kobe Bryant.

The post Pagkamatay ni Kobe gumimbal sa mundo first appeared on Abante.

pagkamatay ni kobe gumimbal sa mundo - Pagkamatay ni Kobe gumimbal sa mundo
Kobe Brayant - Pagkamatay ni Kobe gumimbal sa mundo

Kapapasok pa lang ng 2020, nagluksa na agad ang mundo ng basketball sa pagkamatay ni Kobe Bryant.

Pinanganak noong Aug. 23, 1978, namatay si Kobe noong Jan. 26 nang bumagsak ang sinakyang helicopter sa Calabasas, California.

Kasamang namatay sa aksidente ang anak niyang si Gianna, 13, at pitong iba pa.

Papunta ang grupo sa Thousand Oaks para sa basketball game ni Gianna sa Mamba Sports Academy.

Kasama ng mag-ama sa chopper ang ilang teammates ni Gianna at magulang ng mga ito.

Feb. 7, inilibing ang mag-ama at nagkaroon ng memorial service noong Feb. 24 (2/24 – jersey numbers nina Gianna at Kobe) sa Staples Center. Ilan sa speakers sina Vanessa Bryant, Michael Jordan at Shaquille O’Neal.

Dumagsa ang tributes sa mag-ama, kay Kobe mula sa mga dating kakampi at kalaban sa NBA sa kanyang 20-year career lahat sa Lakers.

Five-time champion si Kobe (2000, 2001, 2002, 2009, 2010) bago nag-retire noong 2016.

Isa sa pinakamakulay ang career ni Kobe sa NBA, maaga lang nawala.

“One of the greatest players in the history of our game,” tukoy sa kanya ni commissioner Adam Silver.

Noong Feb. 15, dineklara ni Silver na tatawagin nang NBA All-Star Game Kobe Bryant MVP Award ang All-Star MVP trophy. 18-time All-Star at four-time All-Star MVP si Kobe.

First player sa NBA si Bryant na naglista ng 30,000 career points at 6,000 career assists. Isa siya sa apat na players na nakaipon ng 25,000 points, 6,000 rebounds at 6,000 assists.

Sa kanyang huling laro noong April 13, 2016 kontra Jazz, may last hurrah si Kobe sa Staples Center nang umiskor ng 60.

Sa huling pagkakataon, nilisan niya ang floor na naging tahanan niya sa loob ng 20 seasons sa pamamagitan ng dalawang salita:

“Mamba Out!” (VE)

The post Pagkamatay ni Kobe gumimbal sa mundo first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *