Paghahanda ng PBA isisiwalat ni Marcial

Espesyal ang magiging panauhin sa TOPS “Usapang Sports on Air” via Zoom ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) ngayong panimula ng 2021 sa pagiging panauhin ni Philippine Basketball Association (PBA) commissioner Willie Marcial, Huwebes.

The post Paghahanda ng PBA isisiwalat ni Marcial first appeared on Abante.

paghahanda ng pba isisiwalat ni marcial - Paghahanda ng PBA isisiwalat ni Marcial
abante marcial - Paghahanda ng PBA isisiwalat ni Marcial

Espesyal ang magiging panauhin sa TOPS “Usapang Sports on Air” via Zoom ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) ngayong panimula ng 2021 sa pagiging panauhin ni Philippine Basketball Association (PBA) commissioner Willie Marcial, Huwebes.

Inaasahang isisiwalat ni Marcial sa 10:30am public service program handog ng Philippine Sports Commission (PSC), Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) at Games and Amusements Board (GAB) ang paghahanda ng liga para sa ika-46 season ng PBA, kabilang na ang panukalang Manila bubble.

Ibabahagi rin ni Marcial sa weekly sports session na mapapanood sa Facebook at YouTube, ang ilan pang usapin sa PBA kagaya ng suporta ng liga para sa kampanya ng Gilas Pilipinas sa 2021 FIBA Asia Cup Qualifiers sa Pebrero pati na rin ang gaganaping PBA Rookie Draft sa Marso.

Inaanyayahan ni TOPS president Ed Andaya ng People’s Tonight ang mga officers, members at kasamahan sa sports community na makibahagi sa weekly session.

Ang TOPS ay binubuo ng mga editors, columnists, reporters at photographers ng country’s leading national tabloids at blogger-friends mula sa iba’t ibang social media groups.

Bibida naman bilang TOPS moderators sina veteran sportscaster Ernest Leo Hernandez at shoutcaster Phaister. (JAToralba)

received 178893670589406 - Paghahanda ng PBA isisiwalat ni Marcial

The post Paghahanda ng PBA isisiwalat ni Marcial first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *