Pagdanganan pasiklab uli

SA pagpapakita nang malaki’t palabang puso, muling nagbaga si Bianca Pagdanganan nang magposte na naman ng day’s best bogey-free five-under 65 para magkatsansa pa sa korona sa pagsampa sa fifth spot at apat na palo lang ang agwat sa lider na si Sei Young Kim ng South Korea.

The post Pagdanganan pasiklab uli first appeared on Abante.

pagdanganan pasiklab uli - Pagdanganan pasiklab uli
bianca 1 - Pagdanganan pasiklab uli

SA pagpapakita nang malaki’t palabang puso, muling nagbaga si Bianca Pagdanganan nang magposte na naman ng day’s best bogey-free five-under 65 para magkatsansa pa sa korona sa pagsampa sa fifth spot at apat na palo lang ang agwat sa lider na si Sei Young Kim ng South Korea.

Kaugnay ito ng penultimate playdate ng 58th KPMG Women’s Professional Golf Association (PGA) Championship 2020 sa Aronimink Golf Club sa Newtown Square, Pennsylvania nitong Sabado (Linggo sa Maynila).

May 54-hole 3-under total na 207 ang 22-taong-gulang na bagito mula sa Quezon City sa pagdikit sa 27-anyos na 10-time US Ladies Professional Golf Association (LPGA) titlist na Korean (67-203), abante ng idalawang hampas sa mga dating kampeon ditong sina Canadian Brooke Henderson (65) at Swede Anna Nordqvist (68) na may 205s. Pang-apat ang isa pang Koreanang si Inbee Park (66-206). (Ramil Cruz)

The post Pagdanganan pasiklab uli first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *