Pacquiao ibabaon sa limot ni Floyd

TIYAK na babalik sa boxing ring si retired undefeated boxing champion Floyd Mayweather, Jr.

The post Pacquiao ibabaon sa limot ni Floyd first appeared on Abante.

pacquiao ibabaon sa limot ni floyd - Pacquiao ibabaon sa limot ni Floyd
Boxing 1 - Pacquiao ibabaon sa limot ni Floyd

TIYAK na babalik sa boxing ring si retired undefeated boxing champion Floyd Mayweather, Jr.

Pero huwag nang umasa ang mga fan ni World Boxing Association (WBA) ‘super’ welterweight champion Manny Pacquiao – hindi na siya papansinin ni Floyd.

Sinisiguro ng sparring partner ni Mayweather na si Denis Douglin na posibleng bumalik sa pakikipagsuntukan si Floyd pero hindi na tatapatan si Pinoy ring icon Pacquiao.

Kuwento ni Denis sa Vegas Insider, malaki ang tiwala nito na magbabalik sa boxing ring si Floyd pero hindi na babanga sa mga top contender gaya nina Errol Spence, Terrence Crawford at ‘Pacman’.

“I don’t think he’ll come back and fight the top guys like Errol Spence (Manny Pacquiao) or Terrence Crawford,” pahayag ni ‘Momma’s Boy’ Douglin.

“But I do think he’ll come back and probably do some exhibition matches because he loves the sport and being a competitor.”

Magugunitang muling nag-trending sa social media ang 43-anyos na former boxing star na si Floyd nang mag-post ng video habang nag-eensayo. (Aivan Episcope)

The post Pacquiao ibabaon sa limot ni Floyd first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *