Pacquiao gurang pero mabagsik

SASAPIT na ang ika-42 kaarawan ni Manny ‘The Pacman’ Pacquiao sa Disyembre 17 pero nananatili pa rin ito bilang isa sa mga tigasing boxer sa kasalukuyan.

The post Pacquiao gurang pero mabagsik first appeared on Abante.

pacquiao gurang pero mabagsik - Pacquiao gurang pero mabagsik
abante manny pacman 2 - Pacquiao gurang pero mabagsik

SASAPIT na ang ika-42 kaarawan ni Manny ‘The Pacman’ Pacquiao sa Disyembre 17 pero nananatili pa rin ito bilang isa sa mga tigasing boxer sa kasalukuyan.

Pasok sa Top 10 ng pound-for-pound list ang ‘Pambansang Kamao’ base sa September 2020 editiom na inilabas ng World Boxing News (WBN) kamakailan.

Kahit mahigit isang taon nang walang aksyion ang fighting senator ay nasa pang-anim na puwesto pa rin ito.

Numero uno sa listahan si light heavyweight champion Canelo Alvarez, pangalawa ang lightweight ruler na si Vasyl Lomachenko at pangatlo si heavyweight titlist Tyson Fury.

Nasa pang-apat na puwesto ang tigasing bantamweight champion na si Naoya Inoue at panglima ang posibleng makasapakan ni Pacquiao na si Errol Spence.

Huling sumabak si Pacquiao sa ibabaw ng boxing ring noong Hulyo 2019 nang agawin ang World Boxing Association (WBA) ‘super’ welterweight diadem ni Keith ‘One Time’ Thurman.

Nagpasya si Pacquiao na magpahinga na sa kabuuan ng 2020 dahil pokus muna ito sa Senado at sa personal na buhay pero babalik upang magdepensa ng korona sa hindi pa pinapangalanang karibal sa 2021. (Aivan Episcope)

The post Pacquiao gurang pero mabagsik first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *