Pacquiao gigil sa 2 bakbakan

NANINIWALA si eight-division world champion Manny Pacquiao na kaya nitong maka-dalawang laban sa susunod na taon.

The post Pacquiao gigil sa 2 bakbakan first appeared on Abante.

pacquiao gigil sa 2 bakbakan - Pacquiao gigil sa 2 bakbakan
pac 3 - Pacquiao gigil sa 2 bakbakan

NANINIWALA si eight-division world champion Manny Pacquiao na kaya nitong maka-dalawang laban sa susunod na taon.

Ika-42 kaarawan ni Pacquiao ngayong araw, malaki ang tiwala nito na kahit sa kanyang edad ay kaya pa nitong makipagbuntalan.

“I think I can do two fights next year,” ayon kay fighting senator Pacquiao.

Posibleng makaharap ni Pacquiao si Ultimate Fighting Championship (UFC) superstar Conor McGregor.

Determinado ang kampo ni Pacquiao na matuloy ang laban kay McGregor, nasabi na ng Pinoy champion na itutulong nito ang ibang kikitain sa laban para sa kanyang mga kababayan.

Kaya tiyak na muling magsusulputan ang mga nagnanais makalaban si Pacquiao para sa kanyang pangalawang laban sa 2021. (Elech Dawa)

The post Pacquiao gigil sa 2 bakbakan first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *