Pacquiao gigil kay McGregor

Kahit busy sa pagseserbisyo bilang senador, hangad pa rin ni eight-division world champion Manny Pacquiao na makabalik sa boxing ring sa 2021.

The post Pacquiao gigil kay McGregor first appeared on Abante.

pacquiao gigil kay mcgregor - Pacquiao gigil kay McGregor
boxing 4 2 - Pacquiao gigil kay McGregor

Kahit busy sa pagseserbisyo bilang senador, hangad pa rin ni eight-division world champion Manny Pacquiao na makabalik sa boxing ring sa 2021.

Sa kanyang panayam sa ANC kasama si Karen Davila nitong Lunes, ibinahagi ni “Pacman” na bet nitong sumabak sa isa o dalawang laban, depende sa kalalabasan.

Magugunita na huling lumaban si Pacquiao noong Hulyo 2019 kontra kay Keith Thurman para sa WBA welterweight title.

Kung ang 42-year-old boxer naman ang tatanungin, bet nitong makatapat si mixed martial arts fighter Conor McGregor.

“Sa akin, McGregor,” lahad ng Pambansang Kamao. “Because I want to experience to fight an MMA fighter. ”

Paliwanag pa nito, “sa akin naman hindi ako namimili ng kalaban eh. In my experience in boxing, hindi na ako talaga namimili ng kung sino kalaban ko, as long as pareho kami ng timbang, at magkasundo kami sa timbang na paglalabanan namin, lalaban ako,”

Hindi rin nawawala sa listahan ni Pacquiao sina American champion boxerTerence Crawford at Errol Spence Jr. (JAToralba)

The post Pacquiao gigil kay McGregor first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *