Pacquiao dinungisan ang rekord ni Thurman via SD win

Pacquiao dinungisan ang rekord ni Thurman via SD win

Sa edad na 40-an-yos, wala pa ring kupas si Emma-nuel ‘Manny’ Pacquiao.

The post Pacquiao dinungisan ang rekord ni Thurman via SD win appeared first on Abante News Online.

pacquiao dinungisan ang rekord ni thurman via sd win - Pacquiao dinungisan ang rekord ni Thurman via SD win
thurman 3 - Pacquiao dinungisan ang rekord ni Thurman via SD win

walang kupas!

Sa edad na 40-an-yos, wala pa ring kupas si Emma-nuel ‘Manny’ Pacquiao.

Dinungisan ng Pambansang Kamao ang dating unbeaten record ni Keith Fitzgerald Thurman, Jr., 29-1 win loss record sa pagsungkit ng split decision, 114-113 kay Thurman, 115-113 at 115-112 para kay Pacquiao, sa MGM Grand Garden Arena, Las Vegas, Linggo nang hapon sa ‘Pinas (Sabado nang gabi sa Tate).

Ilang mga bigating boksingero ang nasa sidelines para manood ng upakan tulad nina International Boxing Federation welterweight champ Errol Spence Jr, maging ang mahigpit na karibal ni Pacquiao na si Floyd Mayweather, Jr.
Sa first round pa lang ay pinadama na ng eight-time world division champion na ‘di pa rin kumukupas ang lakas ng kanyang mga kamao.

30 segundo sa opening salvo, biglang rumatrat si PacMan, kumonekta ang isang right hook diretso sa panga ni Thurman.

Bagsak sa lona si Thurman, at bagama’t nakabangon ay naging momentum shift na para sa Pinoy ring icon, pinamalas ang angking bilis sa mga sumunod na round.

Pagdating ng fifth round, inaalagaan na ng corner ni Thurman ang pagdurugo ng ilong ng alaga.

Sa seventh, nakaramdam ng panga-ngailangang makabawi ni Thurman para maitakas ang panalo, nakatama ng upak sa ulo ni Pacquiao.

Sa 10th round, napuruhan ng f­ighting senator si Thurman tapos pakawalan ang left hook sa kargada ng Kano, kitang napangingiwi ang Kano na ini-rereklamo na mula umano sa head butt. Pero ‘di kinatigan ng referee.

Mas maraming napatama si Thurman, 210 kontra sa 195 lang ni Pacquiao, ngunit ilang mga naging difference ang knockdown score at pulidong 10th round performance ni PacMan. (Ray Mark P­atriarca)

The post Pacquiao dinungisan ang rekord ni Thurman via SD win appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *