Pacquiao ayaw masunog sa training, magkasakit

Ayaw pakampante ng Team Pacquiao kahit inanunsyo pa ni Emmanuel ‘Manny’ Pacquiao na handa na ang kanilang kamao para sa pakikipagsagupaan kay Keith Thurman ng Amerika sa Hulyo 20 sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas, Nevada, United States.

The post Pacquiao ayaw masunog sa training, magkasakit appeared first on Abante News Online.

pacquiao ayaw masunog sa training magkasakit - Pacquiao ayaw masunog sa training, magkasakit
manny 16 - Pacquiao ayaw masunog sa training, magkasakit

Ayaw pakampante ng Team Pacquiao kahit inanunsyo pa ni Emmanuel ‘Manny’ Pacquiao na handa na ang kanilang kamao para sa pakikipagsagupaan kay Keith Thurman ng Amerika sa Hulyo 20 sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas, Nevada, United States.

Bagama’t maganda ang itinatakbo ng pagpapakondisyon ng Pambansang Kamao, nais nilang bigyang pansin pa rin ang kalusugan ng reigning World Boxing Association regular welterweight champion.

Sa nalalabing 3 linggo bago ang salpukan, tanging pagpapa­kundisyon ni Pacquiao ang kailangan nilang pagtuunan ng pansin at masiguro na ‘di ito magkakasakit at masusunog sa pag-eensayo.

Nito lang nang bigyan nila ng day off si Pacquiao mula sa ensayo sa Wild Card Boxing Club ni Hall of Famer trainer Freddie Roach.

“Manny’s been really very aggressive in this training camp and I’m not surprised if he, indeed, feels he can fight already this early.

That makes everything easy for us from hereon. That certainly reduced our problems to seeing to it that Manny doesn’t get sick or overtrained,” sambit ni conditioning coach Justin Fortune.

Tinaguriang Welterweight Supremacy, nakataya sa 12-round professional boxing superfight na ito ang WBA super welterweight championship. (Myris Lee)

The post Pacquiao ayaw masunog sa training, magkasakit appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *