Pacman lalakad sa apoy! Matuloy lang ang Pac-May 2

KAHIT pumirma na sa PBC ni Al Haymon, marami pa rin kailangang daa­nan ang eight-division world pro boxing champion na si Emmnuel ‘Manny’ Pacquiao para masiguro ang rematch kay American superstar Floyd Mayweather, Jr.

The post Pacman lalakad sa apoy! Matuloy lang ang Pac-May 2 appeared first on Abante News Online.

pacman lalakad sa apoy matuloy lang ang pac may 2 - Pacman lalakad sa apoy! Matuloy lang ang Pac-May 2
Abante 2019 Manny Pacquiao 1 - Pacman lalakad sa apoy! Matuloy lang ang Pac-May 2

KAHIT pumirma na sa PBC ni Al Haymon, marami pa rin kailangang daa­nan ang eight-division world pro boxing champion na si Emmnuel ‘Manny’ Pacquiao para masiguro ang rematch kay American superstar Floyd Mayweather, Jr.

Isang perfect timing aniya ang pagpirma ni Pacman sa PBC para magkaroon pa rin ng pag-asa na muli ng makaharap si Mayweather, Jr. Pero mukhang hindi ito ang inaasahan ni Pacquiao dahil patuloy siyang binibitin ni “The Money”.

Maging si Mayweather, Sr. ay nagbiro na puwedeng umalis sa retirement ang kanyang anak para muling lumaban kaya mas lalong uminit si Pacman hanggang sa pumirma sa laban kontra Keith Thurman ng Estados Unidos din.

Kinumpirma ni Mike Coppinger, ng Fox Sports, na ayon sa sources na maghaharap sina Thurman at Pacquiao­ ngayong Hulyo. Pero wala pa aniyang konkretong usapan sa bagay.

Nasa 40-anyos na si Pacman at tumungtong na rin sa 70 professional fights, pero aktibo pa ring lumalaban.

Ang back-to-back win nito laban kontra sa Kano ring si Adrien Broner nitong Enero at sa nalalapit na laban kay Thurman ang paraan mas lalong mapahina si Pacman at dagdag pa, ayon sa mga observer.

Kung mapapatumba anila ni Pacman si Thurman, gaya ng ginawa kay Broner, isang patunay lamang ito na malakas pang kumonekta ito.

Kasalukuyang nasa bansa si Mayweather, Jr. para magbakasyon at pumunta sa ilang event pero ayon sa artikulo ng Forbes magazine, wala aniyang balak si Pacman na kausapin si The Money habang ito ay nasa bansa.

Pero labis pa ring umaasa si Pacquiao na matutuloy ang rematch niya kay Mayweather o ang Pac-May 2 sa lalong madaling panahon, malamang sa taon ding ito para makabawi sa talo noong 2015. (Fergus Josue, Jr.)

The post Pacman lalakad sa apoy! Matuloy lang ang Pac-May 2 appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *