Pac-May 2

PALIHIM na dumating ng Pilipinas si retired American boxing superstar Floyd Mayweather mula Maldives kahapon ng alas-3:30 ng mada­ling-araw.

The post Pac-May 2 appeared first on Abante News Online.

pac may 2 - Pac-May 2
pac 2 - Pac-May 2

NAMUMURO!

PALIHIM na dumating ng Pilipinas si retired American boxing superstar Floyd Mayweather mula Maldives kahapon ng alas-3:30 ng mada­ling-araw.

Lulan ng private plane, biglang nagdesisyon si Mayweather na bumisita sa bansa upang makipagkita sa kanyang kaibigang Pinoy na si Lester Codog ng Foilacar Industries.

Sinabi ni Codog na mayroon silang inaareg­long pagkikita ni ­Pinoy boxing champion Manny Pacquiao at ni ­Mayweather.

Agad namang nagtungo si Mayweather si Boracay pagkaraan ng tatlong oras sakay ng private jet.

Tinalo ni Mayweather si eight-division world champion Pacquiao ­halos apat na taon na ang nakalipas sa Estados Unidos.

Muling nagkita nang harapan ang dalawang dating pound-for-pound kings sa Japan noong nakaraang taon.

Maaalalang sinabi ni Pacquiao na gusto niya ng rematch kay ­Mayweather.
“Tell him to come back to the ring, and we will fight,” sinabi ni Pacquiao kay Jim Gray na nag-interview sa kanya.

Sa huling laban ni Pacquiao kung saan ay nanalo siya via 12-round unanimous decision kay American challenger Adrien Broner, muli niyang giniit sa ring na gusto niyang makalabang muli si Mayweather.

“I’m willing to fight again (against) Floyd Mayweather,” hayag ni Pacquiao. “If he’s willing to come back in boxing.”

Samantala, tatagal hanggang bukas ang pagbisita ni Mayweather at nakatakda namang bumalik sa Las Vegas sa sumunod na araw.

Naniniwala ang boxing fans na isang malinaw ito na tuloy na ang Pacquiao-Mayweather II o rematch ng dalawang pro boxing stars sa lalong madaling panahon sa taong ito. (Elech Dawa)

The post Pac-May 2 appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *