P15M ektensiyon ni Abueva sa Phoenix

Maagang biyaya ang dumating kay Calvin “The Beast” Abueva matapos na dumaan sa mahabang panahon ng sakripisyo at paghihirap sa inaasahan nitong pagpirma sa tatlong taong dagdag na kontrata na nagkakahalaga ng kabuuang P15-milyon para sa Phoenix Super LPG Fuel Masters.

The post P15M ektensiyon ni Abueva sa Phoenix first appeared on Abante.

p15m ektensiyon ni abueva sa phoenix - P15M ektensiyon ni Abueva sa Phoenix
calvin 7 - P15M ektensiyon ni Abueva sa Phoenix

Maagang biyaya ang dumating kay Calvin “The Beast” Abueva matapos na dumaan sa mahabang panahon ng sakripisyo at paghihirap sa inaasahan nitong pagpirma sa tatlong taong dagdag na kontrata na nagkakahalaga ng kabuuang P15-milyon para sa Phoenix Super LPG Fuel Masters.

Napag-alaman sa ilang source na mga agent na nagkasundo si Abueva at pamunuan ng Phoenix na panatilihin ang serbisyo ng dating San Sebastian Stag sa panibagong deal na nakatakdang pirmahan anumang araw.

Bagaman hindi ipinabatid ang laman ng kontrata, ang 32-anyos na si Abueva ay tatanggap ng maximum salary na pinapayagan ng liga o garantisadong P416,000 libo kada buwan.

Tatanggap si Abueva ng P5-milyon kada taon habang garantisado din ang P13, 000 nito kada araw mayroon man o walang laro.

Malaking desisyon din ang ginawa ng pamunuan ng Phoenxi na bigyan nito ng garantisadong kontrata si Abueva na una nang nasuspinde ng 16 buwan dahil sa pagkakasangkot sa iba’t ibang insidente.

Gayunman, matapos na sumailalim sa iba’t ibang pamamaraan ng pagdidisiplina ay nakabalik ang mula Pampanga na si Abueva at agad na nakapagtala ng triple-double at halos naitulak ang Phoenix sa isang panalo na lamang para sa kauna-unanan nitong pagtuntong sa PBA Finals.

Kasalukuyan din itong nasa ikalawang puwesto sa player statistical race sa itinala na 37.1 statistical points at nakikipag-agawan para sa karangalan bilang Best Player of the Conference kontra Bobby Ray Parks ng TNT. (Lito Oredo)

The post P15M ektensiyon ni Abueva sa Phoenix first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *