P1.8M carryover sa Winner Take All

TIYAK na aabangan ng mga karerista ang pagbabalik karera sa pista ng Metro Turf sa Malvar, Batangas dahil sa mga carryover tulad ng Winner Take All at Pick 6.

The post P1.8M carryover sa Winner Take All first appeared on Abante.

p1 8m carryover sa winner take all - P1.8M carryover sa Winner Take All
abante karera 3 - P1.8M carryover sa Winner Take All

TIYAK na aabangan ng mga karerista ang pagbabalik karera sa pista ng Metro Turf sa Malvar, Batangas dahil sa mga carryover tulad ng Winner Take All at Pick 6.

Unang araw ng karera para sa taong 2021 noong Enero 2, nagkaroon agad ng carryover dahil sa mga kabayo na nanalong dehado.

First double pa lang ay nagkadehaduhan na matapos manalo nina Gil’s Magic sa Race 1 at Rainbow Song sa Race 2 sa event na suportado ng Philippine Racing Commission.

Kahit regular races lang ang mga naikasa ay talagang sumuporta rin ng todo ang mga karerista kaya malaki rin ang naging kita pagkatapos ng karera noong Sabado.

Pagkatapos ng Race 8 ay nalaman na may carryover sa WTA at Pick 6.

May carryover na P178,179.30 sa Pick 6 at dibidendo na P39,595.60 para sa 5-of-6, ibig sabihin ay ‘yung mga naka five points.

Sa WTA ay P1,886,735.69 naman ang carryovee habang sa 6 of 7 ay hahamig ang mga naka-anim na puntos ng P55,949.00. (Elech Dawa)

The post P1.8M carryover sa Winner Take All first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *