Oubre pinamigay! OKC mas lalong pinalakas Golden State

Out na sa season si Klay Thompson, ngunit may dahilan ang Golden State Warriors para hindi masyadong manlumo.

The post Oubre pinamigay! OKC mas lalong pinalakas Golden State first appeared on Abante.

oubre pinamigay okc mas lalong pinalakas golden state - Oubre pinamigay! OKC mas lalong pinalakas Golden State
Kelly Oubre Jr 1 - Oubre pinamigay! OKC mas lalong pinalakas Golden State

Out na sa season si Klay Thompson, ngunit may dahilan ang Golden State Warriors para hindi masyadong manlumo.

Ito’y matapos na pumayag ang Oklahoma City Thunder sa isang trade kung saan makukuha ng GSW ang batang forward na si Kelly Oubre Jr.

Kapalit ni Oubre ay isang protected 2021 first round pick, na kapag tumapos sila sa top 20 ay mapapanatili ang kanilang pick at dalawang second rounder ang ipamimigay.

Si Oubre ay nagmula sa Phoenix Suns, na nakuha ng Thunder kasama ng trade package para kay Chris Paul.

Nag-average ito noong nakaraang season ng 18.7 points at 6.4 rebounds kada laro.

Sasamahan ni Oubre sa Golden State sina Draymond Green, Andrew Wiggins at Steph Curry, pati na rin ang 2020 2nd overall pick na si James Wiseman.

Dahil naman sa trade, umabot na sa 16 ang first round draft pick ng OKC hanggang 2027.

The post Oubre pinamigay! OKC mas lalong pinalakas Golden State first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *