Osaka hinirang na Athlete of the Year

Wagi bilang Female Athlete of the Year ng Associated Press si tennis superstar Naomi Osaka dahil sa kanyang padomina sa loob at labas court.

The post Osaka hinirang na Athlete of the Year first appeared on Abante.

osaka hinirang na athlete of the year - Osaka hinirang na Athlete of the Year
Naomi Osaka - Osaka hinirang na Athlete of the Year

Wagi bilang Female Athlete of the Year ng Associated Press si tennis superstar Naomi Osaka dahil sa kanyang padomina sa loob at labas court.

Tinaob ng three-time Grand Slam champion para sa nasabing parangal sina WNBA Finals MVP Breanna Stewart at college soccer goalkeeper at college football placekicker Sarah Fuller.

Ngayong taon na may kinakaharap na pandemya, nagreyna sa US Open nitong Setyembre si 23-year-old Osaka at nakamit ang kanyang ikatlong Grand Slam.

Ngunit bukod sa pagpapasiklab sa court, naging boses rin ang Japanese netter kontra sa racial injustice at diskriminasyon at nagsuot pa sa torneo ng face mask na may mga pangalan ng mga Black victim ng police brutality.

Samantala, kinilala naman kamakailan si NBA superstar LeBron James bilang Male Athlete of the Year ng AP. (JAToralba)

The post Osaka hinirang na Athlete of the Year first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *