Orcollo namakyawng premyo sa Tate

MAY maganda ring naidulot ang 2020 kay Pinoy cue artist Dennis Orcollo dahil sa pag-lockdown ng mga flight dulot ng coronavirus (COVID-19) ay na-stranded ito sa Amerika.

The post Orcollo namakyawng premyo sa Tate first appeared on Abante.

orcollo namakyawng premyo sa tate - Orcollo namakyawng premyo sa Tate
Dennis Orcollo - Orcollo namakyawng premyo sa Tate

MAY maganda ring naidulot ang 2020 kay Pinoy cue artist Dennis Orcollo dahil sa pag-lockdown ng mga flight dulot ng coronavirus (COVID-19) ay na-stranded ito sa Amerika.

Kaya naman habang nasa US ay sumali ang tinaguriang “Robocop” sa mga tournaments nang payagan mag-organisa ng billiards event doon.

Kahit matindi ang pinipinsala ng COVID-19 sa buong mundo ay naka-pokus si Orcollo sa kanyang mga laro kaya naman halos lahat ng sinalihan ay puwesto palagi sa top 3.

Sinungkit ni Orcollo ang siyam na titulo habang nakatambay sa Amerika, pinakamalaki ang prestihiyosong Derby City Classic 2020 Master of the Table title, nagbulsa ito ang $20,000 premyo.

Humamig din ng $16,000 top purse ang Pinoy cue master sa 9-Ball Banks Division ng Derby City Classic.

Nakalikom si Orcollo ng $83,530 na premyo ngayong taon sa mga sinalihang tournament kaya naman hinirang siyang Money Maker King award para sa taong 2020 sa inilabas na listahan ng AZ Billiards.

Pangalawa na ito para kay Orcollo sa Money Maker List, una noong 2017. (Elech Dawa)

The post Orcollo namakyawng premyo sa Tate first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *