Online sabong kaliwa’t kanan

LAGANAP na ang online sabong sapagkat nakikita sa Facebook na maraming agent ang nag-iimbita na sumali at mag-register sa kanilang site.

The post Online sabong kaliwa’t kanan first appeared on Abante.

online sabong kaliwat kanan - Online sabong kaliwa’t kanan
usapang ruweda 5 - Online sabong kaliwa’t kanan

LAGANAP na ang online sabong sapagkat nakikita sa Facebook na maraming agent ang nag-iimbita na sumali at mag-register sa kanilang site.

Hati ang opinyon ng mga breeder at sabungero, may mga pabor habang mayroon ding kontra rito.

Ayon sa backyard breeder na si Pablito Gacutan, mabuti ang online sabong dahil kahit paano ay nakakapanood sila ng laban subalit nalulungkot ito dahil hindi niya maibenta o mailaban ang kanyang mga warrior.

“Maganda kasi may napapanood, malungkot dahil iba pa rin ‘yung tradisyunal na sabong,” ani Gacutan.

Sabi ng ibang kilalang breeder, maaaring sumali kasi’ no pot money’ may P5K per win at premyo sa champion.

Komento naman ng mga backyard breeder, maaari silang makasali kung malapit lang ang lugar ng pagdadausan.

Umaasa ang mga breeder at sabungero na babalik din sa dati ang sabong. (Elech Dawa)

The post Online sabong kaliwa’t kanan first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *