O’Neal nilabas ang ngitngit vs Howard

May pailalim na jab si Shaquille O’Neal kay Dwight Howard.

The post O’Neal nilabas ang ngitngit vs Howard first appeared on Abante.

oneal nilabas ang ngitngit vs howard - O’Neal nilabas ang ngitngit vs Howard
abante shaq and dwight - O’Neal nilabas ang ngitngit vs Howard

May pailalim na jab si Shaquille O’Neal kay Dwight Howard.

Matapos sikwatin ng Lakers ang kampeonato ng 2019-20 NBA, sumisirit na ang champagne sa locker room nang kumuha ng video si Howard.

May pa-words of wisdom pa siya.

“To everybody out there, don’t give up on your dreams. You can do it,” ani Howard. “I swear, just keep fighting.”

Sa guest appearance sa NBA Central, pinatatahimik ni Shaq si Howard.

“You know what I don’t like about a lot of players?” ani O’Neal. “There are a lot of players on their little Instagram accounts bragging that they were the reason they got the championship.”

Naka-18 appearances si Howard sa nakaraang postseason, 7 starts. Mahalagang piyesa ba siya sa championship run ng Los Angeles?

Sabi ni Shaq:

“Post one pic and sit yo ass down…Shut yo ass up. You ain’t do nothing.”

Noong si Shaq pa ag pinakadominanteng big man sa NBA, binansagan siyang Superman at Diesel.

Nang sumali si Howard sa 2008 Slam Dunk contest, nag-costume siya ng Superman. Baka du’n nainis si O’Neal? (Vladi Eduarte)

The post O’Neal nilabas ang ngitngit vs Howard first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *