Olympic slot abot-kamay ni Didal

Olympic slot abot-kamay ni Didal

HALOS mapipitas na ni 2018 Asian Games gold medalist Margielyn Didal ang pinakamimit­hing silya sa 2020 Tokyo Olympics matapos na pumanglima sa ginaganap na qualifying tournament na Street League Skateboarding World Championships sa Loss Angeles, California, USA.

olympic slot abot kamay ni didal - Olympic slot abot-kamay ni Didal
didal 3 - Olympic slot abot-kamay ni Didal

HALOS mapipitas na ni 2018 Asian Games gold medalist Margielyn Didal ang pinakamimit­hing silya sa 2020 Tokyo Olympics matapos na pumanglima sa ginaganap na qualifying tournament na Street League Skateboarding World Championships sa Loss Angeles, California, USA.

Ipinamalas ng ipinagmamalaki ng Cebu City na si Didal ang kakayahan na nakapagdulot dito ng mailap na gintong medalya sa kada apat na taong Asian Games upang makapuwesto sa walo kataong kampeo­nato at masungkit ang pinaglalabanang qualifying points sa ikaapat na yugto ng SLS World Tour Los Angeles Leg.

“We want her to be at the Top 8 of the rankings and she is closing on it,” sabi ni Skate and Roller Sports Association of the Philippines (SRSAP) president Monty Mendegoria sa pinakamataas na puwestong nakamit ng pangunahin nitong manlalaro sa pambansang koponan.

Nakalaban ni Didal ang mga world ranked naman na mga kapwa skate artists na sina Pamela Rosa, Rayssa Leal, Alana Smith, Aori Nishimura, Alexis Sablone, Leticia Bufoni at Yumeka Oda.

Tinanghal na kampeon si Leal sa natipon nitong kabuuang 23.3 puntos. Ikalawa si Smith (22.5), ikatlo si Nishimura (22.1) at ikaapat si Rosa (22.1). Ikalima si Didal sa iskor na 21.2 kasunod sina Bufoni (21.0), Sabloni (16.3) at huli si Oda (8.1).

Ikaapat itong pagsali sa torneo ni Didal kung saan nakataya ang mga importanteng puntos na kailangan nito para makapagkuwalipika sa susunod na taon na Olympics sa Tokyo, Japan.

Ang Olympic ranking competition ay parte na rin ng mga exposure nitong torneo bilang paghahanda para sa pagsali nito sa gaganapin sa bansa na 30th SEA Games simula Nobyembre 30 hanggang Dis­yembre 11. (Lito Oredo)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *