Obiena nag-bronze sa Poznan

Kahit kinapos, umakyat pa rin sa podium si 2021 Tokyo Olympics-bound Ernest John ‘EJ’ Obiena para ikuwintas ang bronze medal nitong Biyernes sa Poznan Athletics Grand Prix sa Poland.

The post Obiena nag-bronze sa Poznan first appeared on Abante.

obiena nag bronze sa poznan - Obiena nag-bronze sa Poznan
John %E2%80%98EJ Obiena - Obiena nag-bronze sa Poznan

Kahit kinapos, umakyat pa rin sa podium si 2021 Tokyo Olympics-bound Ernest John ‘EJ’ Obiena para ikuwintas ang bronze medal nitong Biyernes sa Poznan Athletics Grand Prix sa Poland.

Nirehistro ng Pinoy pole vauler ang 5.52 metro sa ikalawang attempt sapat para tumersera sa likuran nina Polish bets Piotr Lisek (5.72m) at Robert Sobera.

Panlimang podium finish na ito ng reigning Universiade, Asian at Southeast Asian Games champion, na ang pamamalagi sa Europe ay paghahanda niya para sa 32nd Summer Olympic Games sa Tokyo, Japan sa Hulyo 2021.

Nasa radar ni Obiena ang ISTAF Continental Tour sa Berlin, Germany, Rome Diamond League at Doha Diamond League. (Elech Dawa)

The post Obiena nag-bronze sa Poznan first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *