Nuggets taob sa ‘finger’ ni Kawhi

SA isang daliri lang itinumba ni Kawhi Leonard ang Denver Nuggets.

The post Nuggets taob sa ‘finger’ ni Kawhi first appeared on Abante.

nuggets taob sa finger ni kawhi - Nuggets taob sa ‘finger’ ni Kawhi
abante clipper - Nuggets taob sa ‘finger’ ni Kawhi

SA isang daliri lang itinumba ni Kawhi Leonard ang Denver Nuggets.

Sinalubong ni Kawhi sa rim ang dakdak ni Jamal Murray, inabot ng isang daliri ang bola, at naipreserba ng Los Angeles Clippers ang 107-103 win Lunes ng gabi.

Binawi ng LA ang manibela ng West second-round series 2-1.

Sa pamamagitan ng kanyang middle-finger block, ipinaalala ni Leonard kung bakit siya two-time Defensive Player of the Year.

Tumapos si Leonard ng 23 points, 14 rebounds at 6 assists, nagising si Paul George para mambarako ng 32 points.

“That’s what we have to hang our hats on. We take pride on our defense,” ani George pagkatapos.

May 12 pa si Marcus Morris, 11 at 10 kina Montrezl Harrell at Lou Williams.

Nawalan ng saysay ang halos triple-double na 32 points, 12 rebounds at 8 assists ni Nikola Jokic sa Denver. Tumapos si Murray ng 14 points at 9 assists, pero 5 of 17 lang mula sa field sa harap ng buong gabing pambubulabog ni Beverley. (VE)

The post Nuggets taob sa ‘finger’ ni Kawhi first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *