Nuggets problema bubulabog kay LeBron

BUONG regular season hanggang first two round ng playoffs na nambu-bully sa West sina LeBron James, Anthony Davis at ang Lakers.

The post Nuggets problema bubulabog kay LeBron first appeared on Abante.

nuggets problema bubulabog kay lebron - Nuggets problema bubulabog kay LeBron
james 2 - Nuggets problema bubulabog kay LeBron

BUONG regular season hanggang first two round ng playoffs na nambu-bully sa West sina LeBron James, Anthony Davis at ang Lakers.

Isa na lang ang nakaharang sa kanila para makabalik sa NBA Finals – Denver Nuggets.

Pinanday ng sagarang Game 7 sa dalawang round ang Nuggets, naligtasan pareho nina Nikola Jokic at Jamal Murray.

Sina Davis at Murray malamang ang magtapat, pero mas makatotohanang isipin na hindi magbabantayan sina LeBron at Murray.

Baka si Rajon Rondo ang ipa-tao ni Frank Vogel kay Murray. ‘Yun ay kung hindi bumigay ang tuhod ng veteran guard.

Walang pound-for-pound na puwedeng ipantapat kay LeBron, kahit sa edad 35 ay humaharabas pa rin na parang walang 17 season sa career.

Malamang, si Michael Porter Jr. ang ipambulabog kay James. May size si Porter, may shooting din. Ang problema ay kung kakayanin niyang limitahan si LeBron.

Liyamado ang Lakers, apat na panalo ang kailangan ni LeBron para ibalik sa Finals ang Los Angeles na huling bumiyahe roon noong 2010 pa – huling championship ng prangkisa at ni Kobe Bryant.

Mas malalim ang Lakers, may Kyle Kuzma at Alex Caruso pang nakaabang. (VE)

The post Nuggets problema bubulabog kay LeBron first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *