North inilipad nina MVP Aguilar, Santos

ITINAKBO ng North ang 185-170 panalo kontra South tampok na event ng 2019 PBA All-Star weekend sa Calasiao Sports Complex Linggo ng gabi.

The post North inilipad nina MVP Aguilar, Santos appeared first on Abante News Online.

north inilipad nina mvp aguilar santos - North inilipad nina MVP Aguilar, Santos
north 2 - North inilipad nina MVP Aguilar, Santos

SWAK ‘TO!

ITINAKBO ng North ang 185-170 panalo kontra South tampok na event ng 2019 PBA All-Star weekend sa Calasiao Sports Complex Linggo ng gabi.

Mainit pa rin ang pagtanggap ng sellout crowd kina PBA legends Alvin Patrimonio at Jerry Codiñera sa South, at sina Ronnie Magsanoc at Benjie Paras sa North.

Pumasok sa break ang North na nasa unahan 89-75, ang second all-time most sa isang half mula 1989. Naglista ang Vete­rans ng 95 noong 2012 sa 176-144 win kontra Rookies-Sophomores-Juniors sa Laoag City. Game MVP si James Yap na tumapos ng 44 points – event record din noon.

Natapos ang first three quarters 137-122, North pa rin sa likod ng mga payanig na jams ni Aguilar.

Sa bukana ng fourth, may slam si Benjie Paras sa assist ni June Mar Fajar­do. Binuhat ni Fajar­do si Paras para dumakdak. Nalunod ng hiyawan ang venue dahil magkaiba ang kulay ng uniporme nila – red kay Fajar­do at white kay Paras.

Bago natapos ang laro, isa pang assist si Fajardo kay Japeth Aguilar naman. Pinabanda ni Fajardo ang bola sa backboard, sinundan ni Aguilar para malakas na idakdak.

Co-MVPs sina Aguilar at Arwind Santos.

Highest-scoring All-Star game ang nailista,­ record din ang 45 3-pointers made pati ang 190 total attempts sa labas ng arc.

Naglista si Santos ng 34 points at 17 rebounds, may 32 markers si Aguilar.

Tumapos si LA Tenorio ng triple-double na 11 points, 10 rebounds at 15 assists. Karamihan ng feeds niya ay kay Aguilar na nagresulta sa slams.

Nanguna sa South ang 34 points ni PJ Simon, may 26 points at 14 rebounds si Fajardo. (Vladi Eduarte)

The post North inilipad nina MVP Aguilar, Santos appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *