Noon Bell nanaig sa Maiden Race

KAKAGRADWEYT lang sa Two-Year-Old Maiden­ Race ni Noon Bell na sinakyan ni class A rider Kelvin Abobo.

noon bell nanaig sa maiden race - Noon Bell nanaig sa Maiden Race
race 11 - Noon Bell nanaig sa Maiden Race

KAKAGRADWEYT lang sa Two-Year-Old Maiden­ Race ni Noon Bell na sinakyan ni class A rider Kelvin Abobo.

Ipinakita ni NB ang kanyang tikas sa banderahan sa kadaraos lang na event sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

Agad hinablot ang unahan ni Noon Bell sa largahan habang nasa segundo puwesto ang mahigpit na karibal na si Jannanigans.

Walang nakasabay sa ere ni Noon Bell kaya magaan na nakuha ang panalo sa nirehistrong 1 minuto at 24 na segundo sa 1,300 meter race.

“Gustong-gusto pa niyang tumakbo parang bitin sa kanya ‘yung 1,300 meter race,” kuwento ni Abobo kay Noon Bell. “Magaling si Noon Bell mababatak pa ito, bata pa eh.”

Apat na kabayo ang lamang ni Noon Bell sa nasegundong Jannanigans habang pangatlong tumawid sa meta si Prettiest Star habang pang-apat si Money Gain. (Elech Dawa)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *