Nonoy babu na rin sa UST

NAGPAALAM na sa University of Santo Tomas (UST) Growling Tigers si Mark Nonoy batay sa kanyang post nitong Lunes.

The post Nonoy babu na rin sa UST first appeared on Abante.

nonoy babu na rin sa ust - Nonoy babu na rin sa UST
Mark Nonoy - Nonoy babu na rin sa UST

NAGPAALAM na sa University of Santo Tomas (UST) Growling Tigers si Mark Nonoy batay sa kanyang post nitong Lunes.

Sa kanyang Instagram post, pinasalamatan ng UAAP Season 82 Rookie of the Year ang buong UST community sa suporta at kay former Growling Tigers head coach Aldin Ayo.

“Dear UST, Unang-una po sa lahat, nagpapasalamat po ako ng buong puso sa buong UST community, na binigyan nyo po ako ng opportunity na ipakita po kung anong galing meron ako and I’m very thankful sa lahat ng coaching staff lalong-lalo na po sa kay coach Aldin Ayo na nagtiwalang kumuha sakin mula sa province to manila at nagbigay sakin ng kumpiyansa pag dating sa court at sa pag guide nya sa akin kahit off the court upang maging mabuting tao,” panimula ni Nonoy.

“Habambuhy ko tatanawin ang utang na loob ko po sa kanya kasi kung hndi dahil sa kanya wala po ako sa kinatatayuan ko ngayon, ” sambit pa ng incoming sophomore cager.

Bago kay Nonoy, ilang ex-UST stars na rin ang lumipat ng paaralan katulad nina CJ Cansino, Rhenz Abando, Ira Bataller at iba pa matapos pumutok ang isyu sa Sorsogon bubble training ng Growling Tigers.

Samantala, matunog naman na lilipat si Nonoy, kasama ang teammate nitong si Deo Cuajao, sa panig ng DLSU Green Archers. (JAToralba)

The post Nonoy babu na rin sa UST first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *