Nonong umaasa sa IATF

OPTIMISTIKO si Tokyo Olympics chef de mission Mariano ‘Nonong’ Araneta na baka mabibigyan ng ‘green light’ ngayong buwan ng IATF na magbalik-ensayo ang mga atletang naghahangad ng silya sa pinakamalaking sportring event sa buong mundo.

The post Nonong umaasa sa IATF first appeared on Abante.

nonong umaasa sa iatf - Nonong umaasa sa IATF
abante araneta - Nonong umaasa sa IATF

OPTIMISTIKO si Tokyo Olympics chef de mission Mariano ‘Nonong’ Araneta na baka mabibigyan ng ‘green light’ ngayong buwan ng IATF na magbalik-ensayo ang mga atletang naghahangad ng silya sa pinakamalaking sportring event sa buong mundo.

“We’re looking at the resumption of training. Hopefully, not later than September 15 for all the athletes that is still vying for the Olympics,” hayag ni Araneta sa webcast edition ng Phllippine Sportswriters Association (PSA) Forum.

Swak na sa Olympics sa Japan sina pole vaulter Ernest John Obiena, gymnast Carlos Edriel Yulo at boxers Eumir Felix Marcial at Irish Magno. Nagsumite na ang Philippine Olympic Committee (POC) sa PSC ng budget proposal na P135 milyon para sa training ng mga Olympic qualifiers at hopefuls.

Ang ibang malaki ang tsansa na makakuha ng olympic slot ay sina 2016 Rio de Janeiro Olympics silver medalist Hidilyn Diaz (weightlifting), Fil-Japanese Kiyomi Watanabe (judo), 2018 Asian Games gold medal winner Margielyn Didal (skateboarding) at 2019 world champion Nesthy Petecio (boxing). (Elech Dawa)

The post Nonong umaasa sa IATF first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *