NLEX buhay pa sa quarterfinals

PINANATILING buhay ng NLEX Road Warriors ang tsansa sa quarterfinal round matapos nitong biguin ang Rain or Shine Elasto Painters, 94-74, sa eliminasyon ng 2020 Honda PBA Philippine Cup sa first game ng quadruple header kahapon sa AUF Sports Arena and Cultural Center sa Angeles, Pampanga.

The post NLEX buhay pa sa quarterfinals first appeared on Abante.

nlex buhay pa sa quarterfinals - NLEX buhay pa sa quarterfinals
nlex - NLEX buhay pa sa quarterfinals

PINANATILING buhay ng NLEX Road Warriors ang tsansa sa quarterfinal round matapos nitong biguin ang Rain or Shine Elasto Painters, 94-74, sa eliminasyon ng 2020 Honda PBA Philippine Cup sa first game ng quadruple header kahapon sa AUF Sports Arena and Cultural Center sa Angeles, Pampanga.

Ibinuhos ni Jericho Cruz ang 10 sa kanyang kabuuang 17 puntos tampok ang magkasunod na tres sa pagbubukas ng huling quarter upang bitbitin ang Road Warriors sa 13-7 run tungo sa pagtatala ng 13 puntos na abante na sinandigan nito tungo sa pagsungkit ng ikatlong panalo sa walang laro sa loob ng bubble.

Ang ikalawang sunod na panalo ng Road Warriors ay nag-angat dito sa 3-5 panalo-talong kartada para sa ikawalong puwesto na panghuling puwestong kinakailangan sa susunod na labanan.

Kabuuang anim na tres din ang ipinasok ng NLEX sa ikaapat na yugto na tuluyang nagbigay dito ng pinakamalaking abante na 19 puntos sa 90-71 kontra sa Rain or Shine, na nalasap ang ikalawang sunod na kabiguan at mahulog sa kabuuang 4-2 panalo-talong record.

Nanguna para sa NLEX si Kevin Alas na nagtala ng 18 puntos at 3 rebounds habang mayroon itong 3-of-6 sa tres at perpektong 7-of-7 sa free throws.

Tinangka ng Road Warriors na makalayo sa ikalawang yugto sa pagtutulungan nina Kevin Alas at Jericho Cruz sa pagposte ng 14 puntos na abante sa 39-24 na pinakahuli ang isang tres ni JR Quinahan. (Lito Oredo)

The post NLEX buhay pa sa quarterfinals first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *