Nietes papaampon sa MP Promotions

POSIBLENG sa lalong madaling panahon tatawid sa kabilang bakuran si dating world champion Donnie ‘Ahas’ Nietes.

The post Nietes papaampon sa MP Promotions first appeared on Abante.

nietes papaampon sa mp promotions - Nietes papaampon sa MP Promotions
Donnie - Nietes papaampon sa MP Promotions

POSIBLENG sa lalong madaling panahon tatawid sa kabilang bakuran si dating world champion Donnie ‘Ahas’ Nietes.

Ito’y dahil nagsara na ang ALA Boxing Promotions, apektado sila ng coronavirus disease (COVID-19) pandemic.

Isa sa matitikas na boksingero ng ALA si Nietes, ang longest reigning Pinoy world champion na hinawakan nang mahigit pitong taon ang titulo.

Sinabi na nakaraan ni Nietes na handa nitong tanggapin anumang offer maipagpatuloy lamang ang kanyang pagboboksing.

Ikatlong Pinoy boxer si Nietes na may world title sa apat na magkakaibang dibisyon.

Si Manny Pacquiao ay may korona sa walong dibisyon at four-division world champion naman si Nonito ‘The Filipino Flash’ Donaire.

Malaki ang tsansa na baka sa MP Promotions ni fighting senator Pacquiao lumanding si Nietes.

Naulat na handa ang MP Promotions na saluhin ang ilang matitikas na boxers ng ALA. (Elech Dawa)

The post Nietes papaampon sa MP Promotions first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *