Nets tigasin kahit walang KD, Irving

Absent sina Kevin Durant at Kyrie Irving, rumesponde ng season-high 28 points si Joe Harris at binangasan ng Brooklyn ang league-leading Philadelphia 122-109 Huwebes ng gabi.

The post Nets tigasin kahit walang KD, Irving first appeared on Abante.

nets tigasin kahit walang kd irving - Nets tigasin kahit walang KD, Irving
5 5 - Nets tigasin kahit walang KD, Irving

Absent sina Kevin Durant at Kyrie Irving, rumesponde ng season-high 28 points si Joe Harris at binangasan ng Brooklyn ang league-leading Philadelphia 122-109 Huwebes ng gabi.

Throwback ang uniform ng Nets, kulay blue na kaparehas ng gamit nila 30 taon na ang nakakaraan noong nasa New Jersey pa.

Maagang umarangkada ang Brooklyn, halos buong second half na hindi binitawan ang double-digit lead.

Nagsumite si Caris LeVert ng 22 points, 7 rebounds at 10 assists, may 15 markers at 11 boards si Jarrett Allen para sa Brooklyn.

Personal ang pagliban ni Irving. Sinabi ni coach Steve Nash na posibleng makabalik na sa Linggo si Durant, nag-quarantine alinsunod sa health and safety protocols ng NBA kontra coronavirus.

Pumasok sa laro ang 76ers hawak ang 7-1 card, hindi agad nakuha ni Joel Embiid ang ritmo at tumapos ng 20 points, 12 rebounds.

Tumikada ng season-high 24 points si Shake Milton na pinag-start kapalit ni Seth Curry (sore left ankle), pero nalimitahan si Ben Simmons sa 11 points, 4 rebounds at 2 assists. (VE)

The post Nets tigasin kahit walang KD, Irving first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *