NCAA: Beda, Lyceum liyamado

MARKADO pa rin ang defending three-peat champion San Beda University (SBU) Red Lions at last year’s runner-up Lyceum of the Philippines University (LPU) Pirates sa nalalapit na pagbubukas ng 95th NCAA men’s basketball tournament.

The post NCAA: Beda, Lyceum liyamado appeared first on Abante News Online.

ncaa beda lyceum liyamado - NCAA: Beda, Lyceum liyamado
2019 Abante Basketball - NCAA: Beda, Lyceum liyamado

MARKADO pa rin ang defending three-peat champion San Beda University (SBU) Red Lions at last year’s runner-up Lyceum of the Philippines University (LPU) Pirates sa nalalapit na pagbubukas ng 95th NCAA men’s basketball tournament.

Halos magkasundo ang ibang mga coach na nagsasabing San Beda pa rin ang team to beat kasama ang Intramuros-based squad Lyceum.

Ayon sa bagong coach ng Mapua Cardinals na si Randy Gonzales, ang SBU at LPU ang team to beat sa nga­yong season na magsisimula sa July 7 sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

“If I have to, I pick LPU,” ani Let­ran head coach Bonnie Tan kahapon sa naganap na press conference sa MOA Arena.

Si Tan ang dating mentor ng Lyceum, at sila ang magkatapat sa Linggo sa alas-dos nang hapon.

Naniniwala naman si University of Perpetual Help head coach Frankie Lim na San Beda pa rin ang team to beat.

“Still San Beda because they are the defending champions,” sabi ni Lim.
Magtatapat sa pangalawang laro ang San Beda University at host school Arellano University sa alas-kuwatro nang hapon. (Elech Dawa)

The post NCAA: Beda, Lyceum liyamado appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *