NBA crown ibibigay nina Kawhi, George sa Clippers

NAKIPAGTAWANAN at nakipag-cheer sina Kawhi Leonard at Paul George sa crowd nang mainit na ipakilala ang bagong dynamic duo ng Los Angeles Clippers.

The post NBA crown ibibigay nina Kawhi, George sa Clippers appeared first on Abante News Online.

nba crown ibibigay nina kawhi george sa clippers - NBA crown ibibigay nina Kawhi, George sa Clippers
ABANTE paul kawhi - NBA crown ibibigay nina Kawhi, George sa Clippers

NAKIPAGTAWANAN at nakipag-cheer sina Kawhi Leonard at Paul George sa crowd nang mainit na ipakilala ang bagong dynamic duo ng Los Angeles Clippers.

Tatlong linggo matapos yanigin ang NBA nang magdesisyong maglaro sa LA, sa u­nang pagkakataon ay nagpakita sa publiko sina Leonard at George.

“I think we’ve got something special,” ani Leonard, ang two-time NBA Finals MVP na katatapos lang ang championship season sa Toronto. “We can make history here. We’ve got the right team to do it.”

Kaya raw sila lumipat sa Clippers ay para maglaro malapit sa mga kaibigan at pamil­ya. Parehong tubong Southern California ang dalawa, lumaking pinapanood ang Clippers at Lakers.

Napabilib daw sila sa supporting cast at lide­rato ng Clippers — mula kina complementary players Patrick Beverley at Lou Williams hanggang sa front office na minamanduhan ni Jerry West at kay coach Doc Rivers.

Babaguhin daw nila ang kasaysayan ng Clippers.

“It’s an opportunity for us to just build our own, you know what I mean?” lahad pa ni Leonard. “To make history. They haven’t been to a Finals. They haven’t won a Finals. That was something big and exciting for me.”

Tumawid ng Clippers si Leonard bilang free agent. Dumating si George via trade sa Oklahoma City, nagkasundo silang tapos na ang termino niya sa Thunder. (VE)

The post NBA crown ibibigay nina Kawhi, George sa Clippers appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *