NBA balik sa ‘Pinas

MATAPOS ang ilang buwang pagkawala ng mga laro ng NBA sa Philippine TV bago pa man mag-shutdown ang liga noong Marso dahil sa COVID-19 pandemic ay magbabalik na sa ere ang kinahuhumalingang liga ng mga Pinoy.

nba balik sa pinas - NBA balik sa ‘Pinas
abante lakers 1 - NBA balik sa ‘Pinas

MATAPOS ang ilang buwang pagkawala ng mga laro ng NBA sa Philippine TV bago pa man mag-shutdown ang liga noong Marso dahil sa COVID-19 pandemic ay magbabalik na sa ere ang kinahuhumalingang liga ng mga Pinoy.

Simula Biyernes, Hulyo 31, ay mapapanood na sa TV5 at sa ONE Sports ang mga live game ng liga.

Ibinahagi ng National Basketball Association (NBA) nitong Lunes ang kanilang multi-year partnership kasama ang media network Cignal TV, Inc. (Cignal) at multiyear partnership expansion kasama ang digital service provider Smart-Communications Inc. (Smart) para ihatid ang mga NBA game.

Ieere ng TV5 at ONE Sports ang ilang piling “seeding” at playoff games sa first at second round, ipapalabas naman sa parehas na channel ang Conference Finals, habang exclusive namang ibo-broadcast ng TV5 ang 2020 NBA Finals.

“The NBA restart is set against a uniquely challenging moment in time for our fans in the Philippines, who are among the most passionate and dedicated NBA supporters in the world,” saad ni NBA Asia Managing Director Scott Levy.

Ayon naman kay Cignal TV President at CEO Robert Galang, “we at Cignal TV are extremely thrilled to bring the world’s biggest basketball league back to every Filipino home.” (JAT)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *