National U biyaheng Final 4 sa bagsik nina Lorca, Tarroza

IWINASIWAS ng National University (NU) ang University of the Philippines (UP) 4-2 upang masiguro ang huling Final Four slot kahapon sa UAAP Season 81 softball tournament sa Rizal Memorial Baseball Stadium. Umiskor muna ng 3-2 ang Lady Bulldogs matapos magpakitang-gilas sina Pearly Joy Lorca at Leila Tarroza. Bukod sa go-ahead RBI, tumikada si Lorca ng […]

The post National U biyaheng Final 4 sa bagsik nina Lorca, Tarroza appeared first on Abante News Online.

national u biyaheng final 4 sa bagsik nina lorca tarroza - National U biyaheng Final 4 sa bagsik nina Lorca, Tarroza
asasa - National U biyaheng Final 4 sa bagsik nina Lorca, Tarroza

IWINASIWAS ng National University (NU) ang University of the Philippines (UP) 4-2 upang masiguro ang huling Final Four slot kahapon sa UAAP Season 81 softball tournament sa Rizal Memorial Baseball Stadium.

Umiskor muna ng 3-2 ang Lady Bulldogs matapos magpakitang-gilas sina Pearly Joy Lorca at Leila Tarroza.

Bukod sa go-ahead RBI, tumikada si Lorca ng run para makuha ng NU ang panalo.

Haharapin ng NU ang defending eight-time champion Adamson University sa semifinals, bukas ng alas-9 ng umaga sa parehong lugar. 

Ang ibang semis pairing, magbabanatan ang No. 2 De La Salle at No. 3 University of Santo Tomas sa alas-11:00 ng umaga.  

Nabiyayaan ang Lady Falcons at Lady Batters ng twice-to-beat bonus sa Final Four matapos siluhin ang 1-2 finish sa double-round eliminations.

Sakaling magkaroon ng extra game sa Final Four matches, ilalaro ito sa Lunes, habang ang best-of-three championship ay ikakasa sa March 29. (Elech Dawa)

The post National U biyaheng Final 4 sa bagsik nina Lorca, Tarroza appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *