Nambatac, Painters ginarahe ang Dyip

HINDI pa tapos ang pag-iinit ni Rey Nambatac matapos nitong muling batakin ang Rain Or Shine sa 91-82 panalo kontra Terrafirma Dyip at makisalo sa liderato ng 2020 PBA Philippine Cup na ginaganap sa kakaibang bubble format sa AUF Gym sa Clark, Pampanga.

The post Nambatac, Painters ginarahe ang Dyip first appeared on Abante.

nambatac painters ginarahe ang dyip - Nambatac, Painters ginarahe ang Dyip
Rey Nambatac - Nambatac, Painters ginarahe ang Dyip

Mga laro ngayon: (AUF Gym)

4:00pm – Blackwater vs NLEX

6:45pm – Alaska vs Magnolia

HINDI pa tapos ang pag-iinit ni Rey Nambatac matapos nitong muling batakin ang Rain Or Shine sa 91-82 panalo kontra Terrafirma Dyip at makisalo sa liderato ng 2020 PBA Philippine Cup na ginaganap sa kakaibang bubble format sa AUF Gym sa Clark, Pampanga.

Nagtala si Nambatac ng 19 puntos, 2 rebounds, 3 assists at 2 steals matapos na malimitahan lamang sa apat na puntos sa unang laro upang hatakin nito ang Elasto Painters sa ikalawang sunod na panalo at makisalo sa apat na koponang may natatanging malilinis na kartada.

Nag-ambag naman ng tig-14 puntos sina JV Mocon, Beau Belga at Gabe Norwood na nag-init sa huling apat na minuto ng laro.

May pagkakataon pa sana mas makalapit ang Dyip sa 76-85 paghahabol matapos makuha ang bola subalt tila ice cream na inagaw ito ni Gabe upang ilayo ang laban sa 87-76.

Nahulog ang Dyip sa apat na koponan sa hulihan na may 0-2 kartada.

Itinala ng Elasto Painters ang pinakamataas nitong abante sa 16 puntos sa ikaapat na yugto, may 6:09 minuto pa sa laban sa 83-66 matapos ipasok ni Nambatac ang isang tres.

Mula sa pantay na 15-15 iskor ay pinasimulan ng beteranong si James Yap ang pag-alagwa ng Elasto Painters sa pagtatapos ng first quarter hanggang sa simula ng ikalawang yugto sa pagbuhos ng 13-3 bomba upang itala ang 10 puntos na abante sa 28-18, may anim na minuto sa unang hati.

Isang buzzer-beater na jump shot ni Nambatac sa pagtatapos ng first half ang nagtulak sa RoS sa 10 puntos na abante matapos ang 12 mintuo ng laro sa 44-34. (Lito Oredo)

The post Nambatac, Painters ginarahe ang Dyip first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *