Nakaka-miss ang PBA All-Star

defense-minister-jerry-codinera

Nitong March 29, Friday, sa kauna-unahang pagkakataon ay napadpad kami ni kasamang ex-PBA player EJ Feihl sa San Francisco, Agusan del Sur para maglaro at mag-endorso ng Team Barog San Francisco.

The post Nakaka-miss ang PBA All-Star appeared first on Abante News Online.

nakaka miss ang pba all star - Nakaka-miss ang PBA All-Star
defense minister jerry codinera - Nakaka-miss ang PBA All-Star

Jerry Codiñera

Nitong March 29, Friday, sa kauna-unahang pagkakataon ay napadpad kami ni kasamang ex-PBA player EJ Feihl sa San Francisco, Agusan del Sur para maglaro at mag-endorso ng Team Barog San Francisco.

Sa aking palagay, tila yata bihira mapuntahan ng PBA Legends ang lugar.
Kaya nu’ng kami ay dumating, sinalubong kami ng napakainit na pagtanggap magmula sa Mayor’s Office hanggang sa aming lalaruan.

Narito po pala ang lineup ng mga kakandidato roon kabilang si Agusani “Bebot” Ananoria (for mayor), Jenny de Asis (for vice mayor) at para sa mga Sangguniaang Bayan (SB) member sina Adrian Ananoria, Eddie ‘Jay-r’ De Asis, Jessie Beldad, Alex Ranoco, Elvi Gelacio, Fe Tan Cebrian, Alvin Gamolo at Eliseo ‘Bebot’ Fuentes.

Ang laro ay natapos nang tabla kontra sa isang commercial team na galing Davao sa pamamagitan ng free throw ni EJ Feihl.

Sa tabi ng gym, sa may Sports Coordinator’s Office na kung saan kami nag-dinner doon ako nakakita ng tunay na ironwood ika nga o magkono na super bigat na hindi yata kaya ng lagari hatiin o biyakin ang kahoy. Sa lugar lang daw ng Surigao at Agusan matatagpuan ito.

Kinabukasan, March 30, Saturday, sa agarang pagkakataon tinuhog namin ni kasamang EJ Feihl ang laro kaya kami ay nagtungo agad sa San Andres Gym sa Manila para maglaro sa bagong bukas na transpo app ANGKAS na tulad ng Grab at Uber.

Nakalaro namin ang kanilang mga empleyado. Ang laro ay puno ng saya, katatawanan at puro photo ops sa ating Legends. Nagsilaro sina Bong Alvarez, Bong Hawkins, Pido Jarencio, EJ Feihl, Nelson Asaytono at ang inyong lingkod.

Nito namang March 31, Sunday, sa pagkahaba ng panahon, ngayon na lang ulit kami naimbitahan nina Paras, Magsanoc, Patrimonio at ang inyong lingkod na lumahok at maglaro sa PBA All-Star game na ginanap sa Calasiao, Pangasinan.
Hindi namin ito pinalampas sa dahilang matagal kaming naging parte o halos kalahati ng buhay namin ay ginugol sa PBA.

May halong excitement at kaba ang naramdaman namin dahil sa dami ng tao, lahat ng mahusay manlalaro ay sasali at mga dati mong kasama nagkita-kita kayo ulit.

Sa Team South, sa hindi inaasahang pagkakataon nagkasama kami ulit ni Jio Jalalon pero sa pagiging teammate na. Siyempre nandoon din ang mga dating kakampi na si Asi Taulava, ang bagong may hawak ng record sa dami ng MVPs na si Junemar Fajardo, Terrence Romeo, RR Pogoy, Belo, Erram, Barroca, James Yap, Chris Ross, Greg Slaughter, June Simon, Baser Amer at Scottie Thompson.

Nag-champion sa PBA 3×3 ang aking team na sina CJ Perez, Isaac Go at Jasper Ayaay kontra Robert Bolick, Jayvee Mocon, Mike Nieto, Matt Nieto at Alvin Patrimonio.

Siyempre kapag ganyang All-Star, hindi mawawala ang mga bisita na tulad ni SAP Bong Go, Kuya Ipe Salvador, Cesar Montano at Gov. Amado ‘Pogi’ Espino.
Mga dating kasama na sina Pareng Fidel Ma­ngonon, Nelson Beltran, Sev Sarmenta, Commissioner Willie Marcial, Noli Cortez, Dave Corros, Quinito Henson, Boss Danny Espiritu at Tony Lu.
Nakaka-miss kayo mga partner. Mabuhay kayo!

The post Nakaka-miss ang PBA All-Star appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *