Nag-sorry kay Ang, Chua: Greg babalik sa Ginebra

GUSTONG bumalik sa Barangay Ginebra ni former Gin Kings center Greg Slaughter matapos magtampururot at biglang iwan ang koponan.

The post Nag-sorry kay Ang, Chua: Greg babalik sa Ginebra first appeared on Abante.

nag sorry kay ang chua greg babalik sa ginebra - Nag-sorry kay Ang, Chua: Greg babalik sa Ginebra
greg 4 - Nag-sorry kay Ang, Chua: Greg babalik sa Ginebra

GUSTONG bumalik sa Barangay Ginebra ni former Gin Kings center Greg Slaughter matapos magtampururot at biglang iwan ang koponan.

Kasabay nito, nag-sorry siya sa buong ka-Barangay pati kina San Miguel big boss Ramon Ang at Sports Director Alfrancis Chua.

“I want to apologize to them and the rest of management for any misunderstanding or bad feelings that may have occurred because of my decision,” litanya ni 7-footer Greg sa kanyang Instagram post.

Pinagsisisihan niya na hindi siya nakipag-usap nang maayos sa buong team at management at bigla na lang umalis sa koponan sa kabila ng magandang takbo ng kanyang career bilang pangunahing sentro ng koponan.

“My only regret is that the communication between myself and management, particularly Boss RSA and Coach @alfrancischua, did not go as smoothly as I would have wanted,” dagdag nito.

Magugunitang nagmaktol ang 32-anyos na big man nang hindi siya nabigyan ng renewal dahilan para hindi na rin ito nagpa-renew at piniling ma-AWOL nang lumipad ito pa-Tate.

Sinubukan rin niyang pumirma sa iba’t ibang agent ngunit sa ngayon ay wala pang kumpirmasyon ang kanyang international stint.

Sa kabila ng nangyari, hangad pa rin nitong makabalik sa koponan upang maramdaman ulit ang presensya ng pagiging isang Ginebra

“My only wish now for the coming year is to leave that in the past and have the opportunity to suit up again for the best fans in the world. I have learned so much this past yar and I am excited to show everyone that the next phase of my career will be the best one yet,” pahabol nito. (Aivan Episcope)

The post Nag-sorry kay Ang, Chua: Greg babalik sa Ginebra first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *