Nadal pinuri si Alexandra

PERSONAL na nakatanggap ng papuri at pagsuprota ang Pilipinang junior netter na si Alexandra ‘Alex’ Eala mula sa maraming beses naging kampeon na si Rafael Nadal matapos itong umangat tungo sa pagiging World No.2 sa International Tennis Federation (ITF) juniors ranking.

The post Nadal pinuri si Alexandra first appeared on Abante.

nadal pinuri si alexandra - Nadal pinuri si Alexandra
Alex 1 - Nadal pinuri si Alexandra

PERSONAL na nakatanggap ng papuri at pagsuprota ang Pilipinang junior netter na si Alexandra ‘Alex’ Eala mula sa maraming beses naging kampeon na si Rafael Nadal matapos itong umangat tungo sa pagiging World No.2 sa International Tennis Federation (ITF) juniors ranking.

“Vamosssss. Very happy for you and keep up the hard work and great results,” pahayag mismo ni Nadal sa kanyang Twitter account habang nire-tweet pa nito ang pagbati din ng pinamamahalaang tennis academy.

“#2 of the @ITF_Tennis Junior Ranking!! Congratulations Alex Eala! Everyone at the #RafaNadalAcademy by Movistar is very proud of you! What a great achievement Clapping hands sign Let’s keep going and working hard! MABUHAY, Philippines!,” post ng Rafa Nadal Academy by Movistar@rnadalacademy.

Ito ay matapos naman tumuntong sa semifinals ang 15-anyos na si Eala sa ginanap na French Open at maging una na Pilipino na nakagawa ng nasabing tagumpay. (Lito Oredo)

The post Nadal pinuri si Alexandra first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *